Thursday, May 22, 2008
sand dunes, Lapaz Laoag
conversation with the tricycle driver:
mariz: kuya, dalhin mo kami sa sand dunes ha?
tricycle driver: sand dunes?
mariz: oo, yung desert? malapit lang daw sa Fort Ilocandia yun e.
tricycle driver: ah, sand dunes! yung parang disyerto?
mariz: opo yun nga po yun!
tricycle driver: ok, walang problema.
napansin ko si kuya na nagtatanong-tanong habang kumukuha kami ng mga larawan sa SUBA BEACH.
tricycle driver: dalawa daw ang sand dunes dito. isa malapit dito sa beach, isa naman sa LAPAZ. saan nyo gusto?
mariz: hmmm... kung saan po mas malapit para mas mabilis tayo.
tricycle driver: ok!
after 20 minutes na paikot-ikot at nakarating na rin kami sa may PAOAY LAKE...
tricycle driver: teka, sandali. naligaw na yata tayo. magtatanong lang ako.
pagbalik...
tricycle driver: dun na lang tayo sa LAPAZ, hindi ko kasi alam kung saan yun dito e . ano na kasi yung lugar na pupuntahan natin?
mariz: sand dunes po! yung desert! yung pinagshutingan ni FERNANDO POE JR. ng PANDAY!
tricycle driver: AH YUNG PANDAY! OO ALAM KO YUN!!!
kung di ko pa sasabihing PANDAY, hindi niya pa malalaman. hay...