The Twilight Saga...
oopppsss...
before nyo itaas ang mga kilay nyo, sasabihin ko lang na hindi ako fan nina edward cullen at bella swan. hindi rin ako fan ng movie. hindi rin ako bumili ng novel series na ito ni stephenie meyer (picture above) at hiniram ko lang ito sa friend kong si mae. napanood ko na ang Twilight movie noon pero hindi ako nasiyahan. naghintay ako ng action scenes... ng away ng mga vampires... pero konti lang at sa bandang huli pa. i loved the baseball scene pero napaka-ikli. ang sabi sa akin e makikita ko lang yung mga action scenes na hinihintay ko sa mga susunod na installment ng movie.
eto lang ang observation ko ha:
1. bakit ang pangit ni edward??? super gwapo as in supermodel type ang description sa kanya sa book and here comes robert thomas pattinson? gwapo siya sa HARRY POTTER as CEDRIC DIGGORY, pero anong nangyari??? hay naku, hindi talaga ako mai-inlove sa kanya. sorry edward and bella fans, pero kahit anong explanation nyo sa itsura nya, in reel or in real life, wala ng makapagpapabago pa ng isip ko about sa itsura niya. hmp!
2. bakit hindi nags-smile si bella? never yata sa buong movie? fan ako ni kristen stewart sa PANIC ROOM movie and i had predicted na magiging superstar ang batang ito, which she is already now, pero bakit kahit konting smile e wala ba? pero binabasa ko na yung ECLIPSE at nags-smile na siya dun, hopefully sa movie e ganun na rin.
3. Taylor Lautner as Jacob Black. huwow! nakita ko na siya sa THE ADVENTURES OF SHARKBOY AND LAVAGIRL at sa CHEAPER BY THE DOZEN 2 at bata palang e may killer abs and killer smile ang taong ito. i love him!!! siya ang gusto ko! check this video of him showing off his masculinity and that smile...
YouTube - Taylor Lautner Showing Off His New Body On Interview For Access Hollywood
now, why i am reading the Twilight Saga series? well, aksidente lang. dala ni marie (co-worker) ang book 3 (ECLIPSE) at inaantok ako so i borrowed it while taking calls. medyo na-hooked ako (because of Jacob and nothing else) at lagi na akong nakikihiram which prohibits her from reading her own book. so nagkita kami ng friend kong si mae last sunday and i borrowed it from her. the funny thing is that i started reading it sa book 3. ang dami kasing nagsasabi na pangit ang book 2 (New Moon) so i'm planning to finish ECLIPSE muna then BREAKING DAWN and proceed with TWILIGHT then NEW MOON.
if i'll be able to finish at least one of these, masaya na ako. you see, hindi ako palabasa. i love reading sa internet, magazines, newspapers but never books. i tried reading THE SECRET GARDEN, BRIDGET JONES' DIARY, LORD OF THE RINGS THE TWO TOWERS and THE DA VINCI CODE pero last 50 or 100 pages of these books e ini-stop ko. i got bored, yup you can say that. pero ganon talaga. ang book na natapos ko pa lang is RICKY LEE's PARA KAY B (at kung paano dinevestate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin). hindi rin ako nag-enjoy, sayang pinagmamalaki pa naman na best seller at nabasa na ni Boy Abunda, Ely Buendia, etc. pero ewan ko ha, siguro talagang wala lang. hindi ko siya ma-gets, lol!
o siya, goodluck na lang sa akin sa pagbabasa nito.