may credit card po ba kayo?
pag may lumapit sa iyong lalake na naka-necktie habang namamasyal ka sa SM SAN FERNANDO at narinig mong sinabi niya yan, run away and never look back!
"may credit card po ba kayo? libre po ito, ma'am!". matagal ko ng nakikita ang mga lalaking ito na paikot-ikot sa SM pero this time, may hawak na silang free bags and umbrellas. kahit wala akong credit card, sinabi ko na meron at bigla na lang akong kinukuwentuhan about FIRST FAMILY BANK, INC.(?). sa sobrang taranta dahil hindi ko na mapaalis ang loko, sinabi ko na yung ate ko ang tunay na may credit card. nalipat ang kanyang atensyon kaya sila na ng nakatatanda kong kapatid ang nag-usap. hinila kami papunta sa kanilang lugar at nag-explain ng konti. habang nag-uusap ang ate ko at ang lalaking iyon, nakita ko na may malaki silang give away na payong (pangarap ko yung payong na kasya ang tatlo katao) kaya nag-request ako na palitan ang bag. pumayag naman ang loko kaya ayun, hawak ko ang payong, patingin-tingin sa mga stalls habang hinihintay na matapos ang usapan.
bigla na lang tumayo ang dalawa at naglakad ng mabilis. humabol ako at sinabi na puede daw manalo ang ate ko ng house and lot, cellphone at kung anu-ano pa kung makikinig lang siya for 45 minutes sa isa sa mga representatives nila. pagdating namin sa mismong bangko, super lapit ang mga tao dun at in-entertain kami ng todo, may libreng nood ng DVD/VCD at iced tea pa! so habang hinihintay ko ang turn ng ate ko, sinabihan ko siya na kapag may involve na pera, lumabas na siya at tumango naman ito. sinet pa ang wristwatch nya at siniguro ang lalakeng naka-necktie na may 45 minutes lang siya sa lugar na yun kasi nga magsa-shopping pa kami. um-oo naman ang lalake at nagpaliwanag ulit na oras lang ng ate ko ang kailangan nila at marami ng nanalo sa mga promo nila.
natawag na ang ate ko at ako naman ay kampanteng nanood ng movieng BRING IT ON AGAIN. napanood ko na ang movie kaya pasilip-silip ako sa labas. may mini-concert pala si yasmien kurdi sa entertainment plaza na katabi mismo ng bangkong kinalulugaran ko. di pa nag-uumpisa ang concert pero marami ng taong nakaabang. natapos na ang movie at naka-30 minutes na sa kakakanta si yasmien pero di pa rin lumalabas ang ate ko. naglagay ng bagong VCD ang isang empleyada doon. ANT BULLY... okay, hintay pa ako ng 15 minutes sabi ko sa sarili ko. napansin siguro ng isang empleyada dun na naiinip na ako kaya naman nagtanong siya kung may message ba ako na puedeng ibigay sa ate ko. nagsulat ako sa isang papel, nagtatanong kung matagal pa siya doon. bumalik ang empleyada at inabot ang papel, MALAPIT NA sabi ng ate ko. hintay ulit... after 15 minutes, narinig ko na ang isang matandang babae. nagrereklamo na 45 minutes lang ang pinangakong oras ng lalaking humila sa kanila habang nagsa-shopping pero magta-tatlong oras na silang naghihintay dun. naisip ko... "teka, almost 3 hours na rin ako dito a? 7 pm na at 2 hours na lang e magsasara na ang SM! wala pa akong nabibili!". humabol pa ang matanda na sa STA. MESA pa sila uuwi! nag-reklamo na rin ako kaya pareho kaming pinapasok sa loob.
pagpasok sa loob, nakita kong naka-simangot na ang ate ko. minsan lang ito sumimangot at isa lang ang ibig sabihin... galit siya! ako na ang kumalma at kinausap siya. sinabi niya na na-charged ang credit card nya ng almost 7 thousand pesos! paano nangyari? TRUST FUND pala ang ino-offer ng kumpanyang ito at gagamitin ang credit card mo para sa pagbayad. siguro sa sobrang galing na rin ng pananalita ng mga mandurugas na ito at "nahipnotismo" nila ang ate ko kaya naibigay nito ang credit card nya. sobrang dismayado talaga siya kaya hindi na namin pinapansin ang isa pang lalake na kung anu-ano ang tinatanong sa akin. may nag-abot ng isang basong iced tea at ulit at gusto kong ibuhos sa kanila yun. since wala na kaming magagawa, hinintay na naman ang ibang mga papeles patunay na may trust fund na kami sa kumpanyang iyon. pinag-scratch ng card at nakakuha ng isang WALL CLOCK!
PESTE! 7 THOUSAND PESOS PARA SA ISANG WALL CLOCK AT PAYONG!!! wala na talagang magawa ang mga tao ngayon. sabihin natin na tunay ang kumpanyang iyon pero wala silang karapatan na manloko at gamitin ang husay sa pananalita nila para lang may makuhang kliyente. wala na bang patas na labanan ngayon? kaya ka kumukuha ng credit card e for emergency use at hindi para sa mga ganitong bagay. oo, maganda rin ang magkaroon ng trust fund pero hindi ganito. may tamang panahon, lugar at tao na dapat kausapin para sa mga ganitong bagay. hindi ka rin dapat pinipilit dahil may mga tao na hindi marunong humindi, mga taong nahihiyang umayaw.
kung sino man ang makakabasa nito, please do not entertain these guys or anyone with the same scheme. mahirap ang buhay at di rin natin kailangang dagdagan ito dahil sa mga taong baligtad ang pag-iisip.