Sunday, June 15, 2008

secret thoughts...























- thanks hailey for the pictures!

high school days...

1) ano section mo nung 1st year ka?
- one section lang kami e (at di uso ang mga room names sa amin). di kasi popular school namin and yung may-ari ng school, type nila na maximum of 25 students lang bawat section para mas ma-guide ang mga students.
2) eh nung 2nd year?
- section 1
3) 3rd year?
- same explanation as above
4) 4th year?
- section 1 pa rin po, nababawasan lang or nadadagdagan ng konting students as the years went by
5) ano ang best year for u?
- hmmm... siguro yung fourth year dahil maghihiwalay na kaming lahat.
6) bakit? marami ka bang friends nun?
- oo naman, magsimula grade 1. lahat ng levels, ganun.
7) saan kayo kumakain kapag lunch?
- nung una sa canteen, pero nung mga last few months namin before graduation dun na kami sa carinderia sa labas. fave kasi namin yung luto dun nung matanda. nakalimutan ko na name niya hay...
8) saan tumatambay after school?
- kina jhen. kalikod bahay lang namin sila at dun madalas dumadaan ang crush ko hehehhe. pero syempre, gawa muna kami ng assignment before magchikahan. hehehhe
9) lagi ka bang late pag umaga?
- nope. school service kasi ang jeep ng tatay ko kaya di ako nale-late.
10) na-suspend ka na ba?
- nevah!
11) bakit?
- wala namang na-suspend sa amin kahit isa e. kung may kasalanan ka, naka-bilad ka sa init ng araw. tanghaling tapat yun ha!
12) masaya ba ang foundation day?
- always ;-)
13) have you ever danced on stage?
- ay palagi kaya! wahahhahaha
14) nagka-bf/gf ka ba nong high school days?
- ahmmm... oo yata? di ako sure hehehhehe
15) sino ang all-time crush mo noon?
- si arturo! tall, dark and handsome. gentleman at matalino. san ka pa!
16) would you go back?
- walang problema! pero puwedeng palitan ang school? ang pangit kasi. parang bahay ng kalapati. no kidding!
17) ano ang lagi mong binibili sa canteen?
- turon
18) overpriced ba ang canteen nyo?
- hindi naman
19) have you ever sung on stage pag may program?
- nung elementary.
20) fave subject?
- science... mapa-chemistry, biology, etc.
21) nagka-bagsak ka ba?
- nung college lang. teka, about high school life ito di ba? hindi, mataas ang grades ko hehehhe. next question please!
22) have you ever been sent out?
- actually, lahat kami. nung nagbasag ng naka-preserved na puso ng baboy yung teacher namin. me away yata sila nung classmate ko na dyowa niya hehehhee. katakot yung araw na yun. malanghap mo ba naman ang chloroform. ay ang baho talaga. para lang maalis ang amoy, naglagay pa ang mga boys ng buhangin and left it there for almost a day.
23) feel mo ba malayo ang HS bldg sa canteen?
- hindi! susme, isang hakbang andun ka na lolz.
24) have you ever run on the court?
- oo naman.
25) varsity? of what?
- wala. pero all around ako. nagbasketball, volleyball, badminton at cheering hehehe
26) do you miss your school?
hindi. yun lang mga nangyari noon but not the school or the owner/principal. puro lang kapalpakan ang mga ginawa e. para kaming experimental hmp!
27) do you miss your teachers
- ay oo. ayos ang mga teachers, walang problema dun. marami kaming natutunan sa kanila at talagang effective sila.
28) best high school memory
- marami! nung nag-camping sa loob ng school, yung mga promotions na ginawa namin to tell the people of the world na nage-exist ang school namin, yung mga activities sa labas with the other schools, yung mga kulitan, tuksuan, ligawan at loveletters, yung mga practice sa mga dance performances namin, kung sino ang mas magaling: streetboys or UMD, yung pagkinig sa OPM bands like rivermaya at eraserheads, pagtulog sa tanghali, yung pagpapakintab ng sahig, nung ginawa naming mukhang disco house ang room namin at yung paghintay sa paglaki at pag-ani ng mga magsasaka sa mga tanim nilang petsay sa tabi ng school namin. di ko maalis sa isipan ko yun (petsay) kasi pag medyo pagod ka or gusto mong i-clear ang mind mo, tingin ka lang sa bintana, titigan ang mga petsay at maghintay ng konting hangin... inhale at exhale at ayos na ang lahat. ;-)