papparazi mode at NAIA Terminal 3...
Since separate ang pagbo-book ng ticket ni JR, hindi namin siya kasabay sa ame plane pabalik ng Manila. The problem was, JR's flight back from Busuanga was almost 2 hours delayed. Ang baggage ni Karen e nasa kanya so we have to wait for him before kami umuwi sa Pampanga at Tarlac.
Mahaba-habang oras ang hihintayin namin so ano pa nga ba ang dapat gawin kundi maghanap ng gwapo at mamansin ng mga taong kabababa lang sa kanilang planes. Marami kaming nakita na Koreans/Japanese/Taiwanese lovers na terno ang suot. Cute tingnan pero di ko pa rin type hehhehe. Hindi ko na rin ipa-publish ang pictures kasi medyo blurry ang kuha.
Akala namin e wala kaming makikitang pogi ng bigla na lang dumating ang matangkad na mamang ito:
Nag-model ang lolo mo sa harap namin habang hinihintay ang baggage nya. Lowbatt na ako kaya naisip ko ang camera ni Henry. And since mas advanced ang camera nya, ginamit ko ang ZOOM feature nito at super picture naman ako. Kaya lang napansin yata ni "Greek God". So para hindi obvious na pini-picturan ko siya, kunwari e pino-point ko ang camera sa ibang tao.
Pero si Greek God, napansin yata talaga ako. After nyang makuha ang baggage niya e dumiretso sa mismong tabi ko. Wala namang extra chair kaya tumayo na lang siya sa may kaliwang bahagi ko. Tuloy pa rin kunwari ang kuwentuhan naming apat para hindi siya makahalata at habang nagpa-papparazi mode ako. Hindi ko alam kung ano ang balak niya (kung magtatanong ba or talagang may hinahanap lang sa bag nya) pero I faced the lens of the camera in front of him and started clicking. Click pa rin ng click ang lola nyo and hoping to get a clear picture of him. At eto na nga! Ay naku!!! Ang gwapo talaga wahahahhahah!
After na umalis si "Greek God", wala pa rin si JR. Kaya naman naghanap kami ng makakainan sa 4th level ng Terminal 3. Since gutom kami ni Joks, type namin ang kanin. Problem is, 20-30 minutes pa before maluto ang chicken ng Jollibee. So ang ginawa naming dalawa e nag-ikot kami sa foodcourt. Pumasok kami sa MiniStop pero hindi rin nagustuhan ang mga food. Saktong pagtalikod ko sa stall ng mga food e napako ang mga mata ko sa gwapong nakasalubong ko. Nagkatitigan kami ng lolo nyo at bigla akong nag-about face ke Joks at sinabing "PARANG KILALA KO YON"! "Si MICKEY", sigaw naman ni Joks. "Sinong Mickey? Hindi! Parang sa PINOY BIG BROTHER TEEN EDITION yun! Si... ALEX (Esmoso Anselmuccio)"!!! "Yun nga!" sabi naman ni Joks, "pero si Mickey (Perz) yung isa". "Ah, yun ba yung kasama niya? Hindi ko napansin e", sagot ko naman. Para lang ma-prove na si Mickey nga yun, sinundan pa namin sila sa bandang likod ng convenient store. Super focus sa phone si Mickey, nagtatanong pa ng cigarette e puede naman siyang bumili sa store na yun!
Anyway, nanghinayang naman ako kasi nga hindi ko na dala yung camera ni Henry (binabantayan niya ang luggages namin), pero biglang litaw si Karen galing sa restroom at binalitang nakita rin niya yung dalawang guys. Napansin namin na andun pa rin sa vicinity yung dalawa kaya pinakuha ko kay Karen yung camera from Henry at nagpa-papparazi mode ulit ako. At eto na nga ang pictures:
Kaya lang parang di yata type ni Alex ang style ko at nakasimangot sa mga pictures. Para bang sinasabi niya na bakit di na lang kami mag-ask ng permission, pero dahil mahiyain nga ako (MAY GANUN??? lol) e hindi na ako lumapit. Nakakainis lang is parang papansin din ang dalawang ito. Akyat-baba sa food court at ito namang si Mickey, hindi nilubayan ang phone niya. To think na halos isang oras din namin silang nakita mula sa foodcourt hanggang sa labas ng airport terminal. Ang laki ng phone bill niya sigurado (or nung kausap niya). Nakita rin namin si Gee Ann Abrahan at Dionne Monsanto na kasama nila.
Nga pala, talo pa rin kami ni JR kasi nakasabay naman niya sa plane si Ms. Melanie Marquez. O di ba? Ang taray!