i hate P.E.!!!
nung bata ako, isa sa favorite subjects ko ang Music, Arts and PE o yung MAPE kung tawagin namin noon. tuwing mondays ang lessons sa music, wednesdays naman sa arts at PE naman pag fridays. kahit alin diyan e kayang-kaya ko at lagi akong excited lalo na pag PE day. kasi ba naman ito ang time na makakabonding mo lahat ng kaklase mo at madalas, sports ang topic. kahit hindi kagalingan, type kong mag-volleyball, basketball, badminton, chess, etc. huwebes pa lang e plantsado na ang aking PE uniform at may prepared na extrang damit at towellete sakali mang pagpawisan ng todo.
hay, those were the days...
kasi ngayon, nagta-trabaho na ako. at required sa lahat ng companies ang magpa-annual P.E. hindi ito katulad nung nasa school ka na maglalaro, magsasaya. ito ang isa sa mga araw na hate na hate ko at ngayon ang araw na yun! maibibilang na isa sa most humiliating chapters of my life.
bakit?
kasi kailangan mong magpaturok ng daliri para sa dugo, magbigay ng ihi at dumi, magpa-check for breast cancer, xray, tumuwad sa doctor at iba pa. well, actually para rin naman sa akin ito pero ayoko pa rin ng hinahawakan ako, paghuhubarin at kung anu-ano pa. alam ko, masayahin at nagiging professional lang ang mga doctor at nurses pero alam ko na kahit papaano e pinag-uusapan din nila ang mga taong na-"inspect" nila for that day (kasi ganun din ang gawain nung ate kong nurse at yung mga kasamahan nya). buti na lang at madalas sa kuwentuhan nila e codename or room number ang gamit nila. mas nakakahiya siguro pag natandaan pa nila ang name mo.
hay. buti na lang tapos na ang araw na ito...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home