mga saloobin...
kapag sinabing wala, wala!
- madalas ko itong sabihin sa mga kunduktor ng bus na nasasakyan ko. considerate naman kasi ako at laging naghahanda ng barya before sumakay to the extent na magpapabarya muna ako or mangungutang para lang makapagbayad ng tama. ayoko rin naman kasing dumating sa punto na ako ang magugulangan dahil wala silang panukli o sila ang mag-abono para lang ma-meet yung nai-punched na sa ticket.
ang nakakainis lang kasi bigla na lang nag-iiba ang pamasahe dahil na rin sa pagtaas ng gasolina. ang dating 40 pesos na binabayad ko sa mga victory liner or five star buses e nagiging 41, 42 or 43 pesos. yes, wala na silang fixed price! papalit-palit! kaya naman nahihirapan akong mag-check kung may sapat ba akong barya na dala araw-araw.
ang siste, may mga kunduktor na gahaman na kahit piso e big deal na sa kanila. kamakailan lang, tinanong ako kung may barya daw ako na tatlong piso. ang sabi ko, wala. humirit ang nakangising kunduktor at nagsalita na "PAANO NIYAN, WALA AKONG BARYA?" so tumaas ang boses ko at sinabing "KAPAG SINABING WALA, WALA!" habang binubulatlat at pinapakita sa kanya ang laman ng pouch bag. natakot yata ang loko at dun naglabas ng pagkarami-raming barya. sus ginoo, talagang balak akong linlangin. pasalamat siya at hindi ko na siya pinatulan kung hindi e baka lumipad na siya sa bintana ng bus nila. grrrr!!!
----------------------------
mukhang katulong
nagtataka lang ako...
bakit ba madalas akong makakita ng mga amerikano o foreigners na may gf o asawa na mga "mukhang katulong"? yan ang term namin sa mga babaeng super iksi kung magsuot ng damit, maiitim, maliliit, may kulay ang buhok na parang di nasusuklayan, makapal ang make-up, hindi kagandahan at 99% na ina-assume namin na dating pokpok?
don't get me wrong... sabihin mo ng hindi ako kagandahan at wala rin akong karapatan na manlait pero yan ang nakikita ko. pare-pareho sila, madalas e grupo pa, na may mga dyowang pagkagwapo-gwapong mga foreigners. pero bakit nga ba sila ang mga babaeng nakakadenggoy ng mga foreigners? dahil ba sila yung tinatawag na exotic? o dahil magaling sila sa kama?
hhhmmmm... sa pangalawa na lang ako hehehehhehe
--------------------------
third eye
- "may third eye ka!". yan ang bulalas ng college philosophy professor ko nung sinabi ko na "nakita" ko na ang eksenang yun habang nakikipagkuwentuhan sa kanya after ng klase. naguluhan naman ako kasi ang pagkakaalam ko, nakakakita ka ng multo kapag may third eye ka. pero sa pagpapaliwanag niya, ang taong may third eye ay may kakayahan na makita ang future or precognition. ang eksenang pagtaas ko ng kamay, ang pagiging tulog ng kaklase ko na nasa likod ko pati na rin ang ginagawang pagsusulat ng katabi ko, lahat yun e nakita ko na sa panaginip. atleast 5-10 seconds lang at mistulang DEJAVU kung tutuusin.
sa sobrang excitement nya, binalak niyang kausapin ako para matulungang lalong ma-open ang "third eye" ko. binanggit ko kasi na madalas na mangyari yun, atleast 4 times a week. hindi ako nagpakita sa kanya nung araw na yun dahil na rin sa takot. masaya ako sa pagkakaroon ng "abilidad" na ganito pero ayoko siyang abusuhin.
sa paglipas ng panahon, dumalang ang "pagpapakita" sa aking panaginip. hindi ko alam kung dahil sa pagod sa trabaho o yung pagiging idle ko pero dumaraan ang mga buwan na hindi na ako "nananaginip", yung nagiging totoong panaginip. kapag nangyayari yun e hindi na ako napapasigaw ng UY NAKITA KO NA ITO bagkus ay napapangiti na lamang at "naranasan" ko ulit siya.
ang nakakatuwa: habang ginagawa ko ang blog entry na ito e "nakaranas" na naman ako. yung part na 99% sa "mukhang katulong" article, yun ang napanaginipan ko. ;-)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home