mukha akong pera...
yup! tama nga ang title na nakikita nyo. mukha akong pera ngayon. di ko alam pero nagiging materialistic na yata ako.
inggit? oo, naiingit ako...
wala akong ipod...
pag may nakikita ako na mga taong may headsets or earphones iniisip ko, ano kaya ang pinakikinggan nila?
kuntento na lang ako sa paghiram ng ipod ng ate ko tuwing saturdays or sundays. imagine mo, 70 songs lang ang meron dun at di na updated. yung LOW ni FLO RIDA na lang yata ang ituturing mong pinaka-latest na song na andun. kailangan pa niya kasing ipasa yung ipod sa friend nya na may pc para lagyan ng new songs.
at totoo rin yan. wala rin akong computer! 3 years na yata nung bumigay ang pc namin. kailangan pang makipagsisikan sa mga internet cafe para lang makapag-upload ng mga pictures na kuha sa aking digicam.
yes, may digicam ako at mahal ko siyang sobra. matagal na ang aming pinagsamahan pero gusto ko ng DSLR ngayon. baka iniisip mo na di ko na type ang digicam ko. no, that's not true. gusto ko lang ng mabilis na shutter speed, yun lang! para naman mahulihan ng mas magandang pictures ang mga pamangkin ko. at type ko rin na mag-LOMO or FISH EYE effects. hay... sarap siguro nun.
ang cellphone ko, magfa-five years old na! nakakahiya na siyang ilabas pag may nagca-call or text sa akin, polytone pa kasi siya. pero ang maipagmamalaki ko sa kanya, di pa siya naidala sa cellphone repairman at marami rin akong nakuhang "quality" pictures sa kanya. yup! ganun ako kaingat sa mga gamit ko.
kuwarto ko walang ka-design-design! ni walang pintura, walang posters, etc. type ko yung katulad sa movie na JUMPER kung saan buong condo unit niya is covered by pictures na taken sa iba't ibang places or countries na pinuntahan niya. ganda siguro kung lahat ng pictures na na-print ko e nakikita ko lang sa dingding ko, maybe hanggang ceiling.
kaya eto, todo-kayod ang lola nyo. nago-OT na para lang may pandagdag sa mga gastusin at sa mga bisyo. kakayanin ko ito! kahit pumasok pa ako pag days off ko!
patnubayan po sana ako... at ng mawala na ang inggit sa mga mata at puso ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home