Friday, September 30, 2005

mga eksena sa bus...


sa araw-araw na pagsakay ko sa bus, nasasaulo ko na ang mga karaniwang eksenang ganito:

paghintay ng bus...
- mayroong tuliro dahil hindi alam kung ano ang sasakyan, mapa-aircon o ordinary o di kaya nama'y lugar na pupuntahan o bababaan. may mga taong may dala ng mga pagkain para makatipid, may maraming dalang bag o baggages, may bitbit na bata, unan at kumot, o di kaya'y walkman/discman para lamang malibang sa mahabang biyaheng susuungin na puro pirated ang CDs.. no offense mga mare at pare, ako rin naman ay bumibili nyan hehehe... pero dapat di nyo ipakita sa ibang tao mamaya kasabay nyo pa si edu manzano e di nahuli rin kayo.. hmp!

pagpasok sa bus...
- sa pagsakay sa mismong bus, may mga taong nag-uunahan at ibig sumakay sa harap para maka-kuwentuhan o matanungan ang konduktor at driver sa kanilang tamang bababaan o di kaya nama'y para maiwasan ang paglampas. meron naman na sa likod pumupuwesto para makahiga LITERALLY o kaya nama'y para hindi maistorbo. ang mga lovers or pares naman ay aasahan mo na nasa sulok para makapaglampungan (pakengshet!!!). ang mga bata nama'y ginagawang playground ang aisle ng bus (lalo na at pag maluwang pa) kesehodang maka-istorbo sila ng mga taong nagpapahinga (BUSET din!!!). meron ding mga estudyanteng nagbabasa ng kanilang mga aralin at akala mo'y mga genius pero lagi namang smile dahil nagte-text (ingudngod ko kaya yang cellphone mo sa mukha mo.. hmp!).

ang bus mismo...
- hindi ko alam bakit palagi kong minamatyagan ang mga bus na sinasakyan ko. hindi ko naman mine-memorized ang kanilang mga bus number, ang mukha ng konduktor o ng driver. siguro dahil talagang may mapapansin at mapupuna ka. alam nyo ba ang bus na SANTRANS? may different versions yan. from SANTRANS, naging SONTRANS, SUNTRANS at PANTRANS (as in pinalitan lang ang ibang letters or spelling!!!). meron ding RDG, ABG at ABC buses.

from their names, check nyo naman itong nasakyan ko kaninang umaga papuntang binyag ng anak ni raf. mula kisame ng driver's seat hanggang sa estribo ay naka-hang ang pagkarami-raming panyo. sigurado ako na ito ay mga naiwanan ng mga pasaherong sumakay sa bus na iyon. may mga tatak na BENCH, PENSHOPPE, BALINO, FRONDALINO, GIORDANO (SOSYAL!!!) pati na rin EL SHADDAI! o di ba, extra decoration!!! may pagka-creative ang mamang tsuper at konduktor na ito, sabi ko sa sarili ko. di mo rin puedeng kaligtaan ang mga naglalakihang unan na embroidered ng mga katagang LOVING YOU, TO LOVE SOMEBODY, LOVE IS ALL THAT MATTERS at ang pinakagusto ko... CHIQUITITA! (yes, meron nyan). di ko alam kung hawi sa mga kanta or pangalan yan ng syota or wife ng driver or konduktor.

napansin nyo ba ang mga upuan sa mga bus na sinasakyan nyo? pakiusap lang sa mga taong sumasakay at kumakain sa bus, pakiaayos naman ang inyong mga pinagkanan. wala nga tayo sa aol na clean as you go pero dapat naman, ayusin nyo pa rin or ilagay sa isang plastik. kasi naman, before ka uupo, may makikita kang balat ng mani, butong-pakwan, mga butil ng mais, chicharon, pinagbalatan ng candy, chips, balot or penoy, bottle ng mineral water, softdrinks at pag minalas-malas ka naman, SUKA!!! (puedeng suka... in english e VINEGAR or mas malala... VOMIT!!! ewwwwwwwwwwww!!!!)

e ang sounds ng mga buses, napansin nyo na rin ba? yung mga papuntang north (as in baguio, pangasinan, tarlac na buses) e puro ILOKANO ang sounds. hello???? kahit may lahi akong ilokano e di ko rin maintindihan kasi nga masyadong malalalim yung words no! meron naman na radio nga ang pakikinggan then enjoy ka sa sounds, pero biglang ililipat dahil mas gusto nila ng mas mellow like LOVE ME TENDER, LOVE ME SWEET... NEVER LET ME GO!!! huwahhhhhhhhh!!!!!

e yung movies naman, ok sana kaya lang aabutan mo, its either tagalog action (na may sexy scenes pa) or yung sinauna na james bond movies na ang bida e si sean connery pa!!! meron naman na nagpe-play ng new movies pero pirated kaya naman malabo na or kinuha sa sinehan kaya may mga ulong lumilitaw!!! whahahahaha

dumako naman tayo sa mga curtains, yes, paticurtains e napapansin ko. merong mga kurtinang sobrang dumi at di mo talaga malaman kung ang dati bang kulay non ay green or BLACK!!! (dahil na rin sa sobrang karumihan). hindi mo tuloy maatim na hawakan dahil baka dun ka pa makakuha ng AIDS (OA na yan, mariz!). anyway, naalala ko tuloy nung ako'y nasa college pa. magfi-field trip kami noon at ang bus na sasakyan namin ay ang PHILIPPINE RABBIT (may they rest in peace.. whahahhaha). ang hinayupak na konduktor, pinamukha ba naman sa amin na bagong-bago, straight from Japan ang bus na kanilang dinala! as in ang kurtina daw ay hindi pangkaraniwang kurtina na yari sa tela. mukha syang screen ng sinehan (or yung screen na ginagamit dito sa aol para sa projector) na pull down and up ang drama (oo alam ko na-gets mo na at luma na yon, pero nung kapanahunan ko, bago pa lang na naimbento yan sa mga buses. hindi ko lang talaga maalala ang right term doon! nyeta, nagbabasa ka na nga lang, mareklamo ka pa! TSE!!!!)

ang mga pasahero...
sigurado ako na lahat tayo ay may sari-sariling kuwento tungkol sa mga nakakasakay natin. naikuwento ko na may nakakasabay ako na lovers na puro lampungan ang ginagawa, yung parang manok kung matulog dahil sa kanyang ulo na biling-baligtad at tulo-laway pa, yung may mga dalang di maganda ang amoy katulad ng tinapa, bagoong, buro atbp. (hindi ako maarte ha! sana lang takpan ng maige ang mga binebenta nyo para di naman mangamoy sa loob ng bus, lalo na at kung aircon ang sasakyan nyo!) pero ang di ko talaga matantya ay yung may mga cellphone!!! please i-silent lang or i-on ang vibrator (ng cp GAGA!!!) para di naman kayo istorbo sa ibang pasahero. okay, maganda na ang ringing tone alert mo, pero sagutin mo na ang call na yan at pinagtitinginan ka ng masama ng mga katabi mo! meron namang iba dyan, kung makasagot sa phone akala mo walang ibang tao. nakputa, di mo alam kung sweet sya sa kausap nya kasi sumisigaw... HMP!!!!

ang driver at ang konduktor...
bilib ako sa maraming konduktor at driver. kahit hindi ka nila araw-araw na pasahero, mabibigla ka na lang dahil kilala ka nila. meron yung talagang di ka pa pumapara, sila na ang hihinto para sa iyo. may mga codenames pa yan kung minsan. ang tawag sa akin nung isa, MS. SAN MIGUEL (kasi nga sa san miguel, tarlac ako nakatira) at yung isa namanTABACHINA!!! (putang-inang yon!!! mamatay na siya... pasalamat siya at di ko na siya nakikita kasi nga nag-rally ang rabbit... wahhahahahha!) meron namang isa, MANYAKIS!!! sukat ba namang tanungin ako ng mga personal info ko like kung may asawa na ako (sinabi ko OO sa panaginip), kung saan ako nagtatrabaho (sa isang club dito sa angeles ang banggit ko - feeling receptionist lang ako at hindi pokpok GAGA!!!), ilang taon na ako (20 sagot ko naman... ang kapal whahahahaha) etc! meron pang isang konduktor nung pang-umaga ako. grabe as in minura ko sya at nag-FUCK YOU ako! (pagkababa nga lang syempre baka habulin ako e di nalagot ako... lol). ang maganda naman sa mga driver na nasasakyan ko sa ngayon e mabilis sila kung magmaneho pero smooth!!! as in overtake keni, overtake dyan, pero ayos pa rin. maganda kasi nga nakakauwi ako ng maaga.

eto na tayo sa last stage pag ikaw ay sumasakay ng bus...

ang pagbaba sa bus...
- marami ring sitwasyong nangyayari sa ganitong pagkakataon. may mga konduktor na parang gusto talagang palabasin ang mga pasahero sa lakas ng sigaw na malapit ng bumaba ang isang konduktor. may mga pasahero naman na di marunong (or di alam) kung saan bababa. katulad nito: meron akong nakasakay kagabi, tinanong sya ng konduktor kung saan sya bababa. ang sabi sa capas. nung nasa capas na, sabi sa isang kanto, nung nasa kanto na, sabat naman e sa may WAITING SHADE (as in SHADE hindi SHED ang rinig namin ha!) at nung nasa waiting shed na e bigla ba namang sabi, AY MALI SA ISANG KANTO PA PALA!!! isa pang nyeta yan.. ugh!!! (buti na lang ako may landmark, pag sinabi ko 7-eleven, ibababa na ako doon. pero nagalit na naman ako sa isang konduktor last week kasi ba naman, sinabi niya na KAYA KA PALA MATABA SA MISMONG 7-eleven KA BABABA E, PAKABUSOG KA HA?

SHEEEEETTTTT TALAGA!!!!! HAYOP NA BUHAY TO!!!!!!! PATAYIN NYO NA AKO!!!! lol

2 Comments:

Blogger Markus Ezekiel Caidoy said...

sus! patawa yung konduktor. PATAYIN mo sya...sbihin mo kaya ka sa 7-eleven kasi ikaw may-ari nung branch. lech!

9:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

Grabe, natatawa ako sa mga pinagsusulat mo dito! pwede ka nang maging writer Mama. Parang gusto ko na rin magstart ng ganito. hmmmm. Pero sa totoo lang napatawa mo ako dito. Memorable n talaga ang 7 eleven sa iyo, hahaha. Grabe ang pinoy lakas ng sense of (sarcastic) humor. Peace man! Cool ka na lang sa mga ganitong cases. Inggit lang sila, buset!

10:10 AM  

Post a Comment

<< Home