just thinking aloud...
Hay...
Ang dami na namang nangyayari sa Pilipinas. Kung hindi ka aware, eto magbasa ka:
a) 2010 election - Ngayon pa lang e nagbibigay pahiwatig na ang mga taong gustong tumakbo sa darating na eleksyon. Nagsimula yan sa mga streamers na nakasabit sa kung saan-saan. Merong Maligayang Pasko, Happy Valentine's Day, Masayang Pagtatapos, atbp. Sumunod naman ang mga commercials na tumutulong daw sa mahihirap sa pamamagitan ng mga OFW/itik, pagmamaniobra ng tri-bike, at yung magandang kalagayan ng mga taong nakatira sa Makati. Puede ba! Sobra na yan! Kung ang mga pinambayad nyo sa mga streamers, posters at commercials na yan e pinamigay nyo na lang sa mga talagang nangangailangan e nakatulong pa kayo sa bayan. At sa bawat Pilipinong boboto, pakiusap... wag sana kayong magpauto at wag sanang maging tanga!
b) Katrina Halili at Hayden Kho sex scandal - Ilang araw o linggo na ba ang issueng ito? Hindi na ba puedeng tuldukan ang kuwentong ito? Nag-setup ng video si Hayden ng hindi alam ng mga babaeng nakaulayaw nito, kumalat ang video, nakapagsampa na ng kaso si Katrina na suportado naman ng GABRIELA at ngayon e makikialam pa ang Senado? Okay, sabihin na natin na gusto ni Senator Bong Revilla na tumulong at magkaroon ng bill para sa pagsupil sa mga taong nagkakalat ng unwanted videos sa Internet, cellphone, etc. pero puede bang wala ng hearing sa Senado at bayaan na lang ang mga abogado na sa korte ito pag-usapan? Ano na ba ang mga nangyari sa mga patung-patong na kaso na pinagdedebatehan sa Senado katulad ng ZTE, extension ng C5 at kung anu-ano pa? Aksaya lang ng panahon kung idadagdag ang sex scandal na ito di ba? Gumawa na lang kayo ng batas, i-implement ito at siguradong marami pa ang matutuwa sa inyo.
c) AH1N1 virus - Dalawa na ang taong infected nito dito sa Pilipinas. Yung unang kaso ay isang bata na nagbakasyon sa US at Canada. Ang problema, hindi na-traced ng mga thermal scanners na infected na siya kaya nakauwi pa sa bahay nila. Ngayon, naka-quarantine ang buong pamilya niya at pinaghahanap pa ang 17 kataong katabi niya sa eroplano. At kung hindi ba naman tanga ang mga may authority sa NAIA, balak pang magdagdag ng bagong thermal scanners para mas masiguro daw ang kaligtasan ng mga taong lumalabas at pumapasok sa bansa. Ano yun? Pang-kickback na naman? Hindi ba nila naiisip na may problema ang mga device na ginagamit nila na pang-check kuno para sa mga taong infected na ng virus na ito? Stupid! Talagang kagaguhan ang mga pag-iisip! Leche!
Sabi ko nga, I am just thinking aloud. Bahala ka sa buhay mo kung sumasang-ayon ka o hindi.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home