Thursday, May 22, 2008

sa kabukiran...

miss ko na ang paggising sa amin ni lola ng may halong sigaw at palo...
ang pag-ani ng mga gulay o mani sa madaling-araw...
ang pagwalis ng mga dahong di maubus-ubos sa pagkalawak-lawak na bakuran niya...
ang almusal na tuyo at itlog na galing pa sa bahay ng mga inahing manok...
ang paglalaro sa init ng araw maghapon...
ang pagpapahinga sa ilalim ng kawayan...
ang pagkain ng mangga, tubo at pagligo sa patubig...
miss ko na ang kabukiran...
miss ko na si lola...
























0 Comments:

Post a Comment

<< Home