starting my day (errrr night) right! grrrrrrrrr!!!
there are 2 routes that I can take when reporting to work: one is the concepcion road and the other one is capas. the best way for me to take is the capas route kasi it is faster at may exercise pa ako (walking) pag papunta na sa service namin which is located near Mabalacat palengke. however, hindi na ako sure sa bus na masasakyan kasi nga kaka-open lang ng concepcion after 3 (?) months na pag-aayos sa isang bridge nila. namimili kasi ang mga bus drivers ngayon kung saan di traffic, may possible na pasaherong makukuha, etc. and most of them prefer the concepcion route. its kinda annoying to take that road kasi mas malayo at mas mahal ang fare ko. another scenario that I am trying to avoid is that I need to take a tricycle from sta. ines to mabalacat. kanina lang may nakaaway ako na tricycle driver and here is our heated conversation:
ME: manong, sa tabi na lang po (sabay abot ng pera)
TD: bente ang bayad
ME: hindi po! 15 lang ang lagi kong binabayad dito
TD: bente sabi e! malayo kasi itong binabaan mo.
ME: hindi po, kasi araw-araw akong sumasakay dito at laging 15 lang ang bayad ko.
TD: hindi nga e! kasi iikot pa ako at bawal ng bumalik sa dinaanan natin! kung dun ka sana sa kabilang kanto nagpababa, 15 ang bayad kasi nga hindi na ako kailangan pang umikot dyan sa kabilang barangay pabalik ng sta. ines.
ME: pasensya na po pero 15 lang ang kaya kong ibigay. yan ang lagi kong binabayad, itanong nyo pa sa mga kapwa nyo tricycle driver sa lugar nyo. kilala na nila ako. (galit na ako dito)
TD: (habang nakatingin sa akin ng masama) SA SUSUNOD WAG KA NG SASAKAY DUN HA! (sabay alis)
ME: (shouting) SA SUSUNOD WAG NA KAYONG MAGPASADA!!! PUNYETA!!! (sabay pasok sa loob ng service namin)
kuya archie (our service driver) heard everything along with ann. hindi ako nahiya sa kanila kasi they knew na mali ang driver. sabi nga ni kuya archie, hinihintay nya ako na sapakin yung tricycle driver dahil daw nakita nyang galit na galit ako. sayang nga at di ko ginawa. sabi pa niya, mali ang dahilan ng TD na hindi siya puedeng umikot pabalik sa dati naming dinaanan kasi allowed naman lahat ng tricycle na bumalik kahit itanong pa niya sa traffic enforcer na nandun lang at nakabantay sa kanto. kung alam ko lang yun, pinamukha ko sana sa TDng yun na gusto lang niyang manloko. i am still mad but proud of myself at natuto akong lumaban kahit na simple lang ang issue. atleast this time, hindi ako nagpa-dehado.
the thing is... nag-iisip tuloy ako kung dun pa rin ako dadaan pag papasok sa trabaho. ayoko na kasi siya ulit na makita e. afraid to see him again, yes, pero parang wala akong choice. bahala na. ingat na lang ako ng mabuti.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home